Panuto: Ipakikita ng guro ang isang talahanayan na naglalarawan ng produktong glokal. Sa unang hanay, makikita ang halimbawa ng produkto o serbisyong glokal, habang sa ikalawang hanay ay nakalagay ang kasagutan sa mga gabay na tanong. Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat. Bawat pangkat ay mag-iisip ng iba pang halimbawa ng produkto o serbisyong glokal. Iguguhit at isusulat nila sa kahon ang kanilang kasagutan batay sa halimbawa.